Friday, October 27, 2006

Bakit Ba Nauso Ang Blog?

Sounds techy na Rhetorical question ba...Bakit nga ba nauso ang web log? Ayon sa mga bloggers, gumagawa daw sila nito upang maipahayag ang kani-kanilang saloobin, maibahagi ang talento sa arts, fotograpi, atbp, makipagtalastasan sa mga kaibigan at kamag-anak sa iba't-ibang lugar . Katunayan, nais ng mga bloggers na makapagpahayag ng may SINING at higit sa lahat.... libre! Hamakin mo nga naman para kang may personal website - at wala kang binabayaran kundi ang konsumo sa elektrisidad gamit ang kompyuter at ang koneksyon sa internet. Libre ang basic features, s'yempre, may bayad kapag komplikado na. Sa tingin ko noong una, ang blog ay para sa mga taong walang magawa at makausap, dahil nga naman parang kinakausap mo ang sarili mo sa bawat post na ginagawa mo. Waring diary ang blog na dapat mong panatilihin, kaya ang mgabloggers ay tinatawag ding web diarist.
Si Jesse Somer, isang manunulat at blogger, ay nagsabing> "Blogs aren't just about expounding your ideas to others; theyre about getting to know yourself better." O di ba? Ang blog pala ay para sa mga di pa nakakakilala sa sarili ... tama ba ang nasabi ko? Para kay Shai Coggins naman, isang Psychologist at kilalang-blogger-na-ngayon-ko-lang-nakilala, maaari ka palang kumita sa blog, kasi si Coggins ay naging sikat sa kanyang iba't-ibang website, mula sa pagiging artistic, humanistic, naturalistic, technoratic, chuva chenes cheverlu ang dating, at pinagkakitaan nga niya ang pagba-blog. Maalala ko, nagsimula pala ako mag-blog noong nakaraang taon para magkaroon lang ako ng lugar kung saan maaari kong ilagay ang utak ko. Mahilig din kasi akong magsalita mag-isa... ehermm.. thinking aloud baga! Pero gaya ng inaasahan ko hindi ko ito napanatili, hanggang sa nawala na sa isip ko pati ang user name at password na nirehistro ko. Kaya heto ako uli, nagpipilit magsimula...... magsimula sa pagtatanong na Bakit Nga Ba Nauso Ang Blog?
Sa katunayan pa rin, hirap na hirap na ako ngayon - kasi naman nag eensayo din ako dahil ang paksang talakayin ko ngayon sa klase ko ay translation, at bilingual ang asignaturang iniatas sa akin. Naisip ko, (ting!) mainam mag ensayo sa blog! isa pa ay nahihilig din ako sa fotograpi ngayon. Nawa ay mapanatili ko na ang blog na ito...... nosebleed!
See that silhouette lady in the picture, gaping in wonder at the majestic sunrise... that's me. Sa tagalog - "Naaaninag mo ba ang anino ng babae sa larawan, nakanganga siya sa ganda ng haring araw... at ang babaeng iyan ay walang iba kundi ang lola mo!" --- ang tawag dyan Malayang Pagsasalin o Sense Translation, hindi verbatim ang salin.

At iyan ang dahilan kung bakit nauso ang blog ... para mai-drowing ang ating utak..... at para may magawa ang mga tulad ko na sinasapian ni Bob Ong...ni Jimi Hendricks...at Michael Buble.


Kita nyo naman, tinanghali na ako sa kaiisip kung Bakit Ba Nauso Ang Blog? Wala na si haring araw kaya mga talahib naman ang kausap ko dyan.

'Yang unang picture, kuha yan sa Mt Pulag, Benguet habang nakanganga ako at naglalaway sa ganda ng sunrise, (salamat sa AdTrek Mountaineers). Eto namang next, sa Mt Manabu sa Batangas, (salamat sa UnitedCaviteMontaineers)

3 Comments:

Blogger gieoliv said...

Wag mahiya mag comment, hindi ako mang aaway.

6:50 PM  
Blogger Unknown said...

nauso ang blog dahil tayo'y mga chismoso't chismosang lahat, fundamentally. Isang di masagwang paraan ng eavesdropping. Sa totoo lang, napakaraming dahilan kung bakit tayo nagb-blog. Ang brokeback ay sinimulan ko upang ma-encourage ang mga brokebackers na magtuluy-tuloy sa pagpanik. makita lang nila ang mga mukha nila sa isang webpage ay masaya na. ganun lang kababaw ang kaligayahan. ang isa ko pang blog (http://morosethewonderboy.blogdrive.com) ay binuksan ko upang tulungan akong maka-cope sa paglisan ng taong tinuring kong sarili kong ama. at para mang-asar na rin at yurakan ang ibang mga popular pero mga walang silbing paniniwala natin tungkol sa pangaraw-araw na buhay. Nais ko lang ipakita ang isa pang bahagi ng buhay ng tao na pilit nating tinatalikuran. The things that we're facing backs to for so long now. Para harapin ang mga bagay na ito sa monitor ng PC at makaisip ng paraan na matalo ang mga multong ito.

ang pinaka matinding dahilan kung bakit tayo nagb-blog ay para ipakita ang mga kabaliwan natin na walong oras sa bawat araw ay hindi natin maipakita dahil hindi dapat. mga kabaliwang nakakatuwa minsan. mga kabaliwang nagpapakitang tayo'y tao rin naman kahit papaano. ahehehe

11:18 AM  
Anonymous Anonymous said...

Thanks and I have a swell offer: Where To Start With Whole House Renovation house renovation companies

4:02 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home