Monday, October 30, 2006

Look up

" I will lift up my eyes to the mountains...from where shall my help come? My help comes from the Lord, the Maker of heaven and earth. "
from Psalm 121
Iyan ang paborito kong verse - Psalm 121.
I - maganda yun mga may personal pronoun na stament, para bang ikaw talaga yun nagsasalita, personalized.
will - future tense, hindi lang isang circumstance ka makaka relate, pwede pa sa mga future events sa buhay-buhay.
lift up - a reminder whenever I am down and no one is around... the best thing to do is to look up.
my eyes - sabi nga "the eye is the window of the soul", it is beyond looking... it is "seeing"... and literally, whatever you constantly see - it will seep into your mind and will dwell into your heart... which in turn will become the "you" in the sight of others.
to the mountains - being on top of the mountain is like you have overcome the life's half-way struggles and last stretch hurdles... it's like seeing things on a higher perspective - hindi yun mga nakakapagod na detalye ng mundo... and even more, it's like you have conquered yourself.
from where shall my help come?
tanong na hindi nasagot ni nasirang Ernie Baron, kahit may program s'yang Knowledge Power
My help comes from the Lord...
eto ang malinamnam sanang sagot na hindi malasahan ng ibang tao.. bakit kaya?
at ito ang matindi sa lahat
...the maker of heaven and earth.
mahirap yata kontrahin yan.
Yan aleng nakatalikod sa picture na may dalang tungkod - sempre ako yan, sa Mt Pulag pa din. Nakatunganga na naman ako sa ganda ng Pilipinas, nakanganga, as usual, pero hindi na tulo-laway... kirot-tuhod naman - yun ang purpose ng cane na dala nung ale.

Friday, October 27, 2006

Bakit Ba Nauso Ang Blog?

Sounds techy na Rhetorical question ba...Bakit nga ba nauso ang web log? Ayon sa mga bloggers, gumagawa daw sila nito upang maipahayag ang kani-kanilang saloobin, maibahagi ang talento sa arts, fotograpi, atbp, makipagtalastasan sa mga kaibigan at kamag-anak sa iba't-ibang lugar . Katunayan, nais ng mga bloggers na makapagpahayag ng may SINING at higit sa lahat.... libre! Hamakin mo nga naman para kang may personal website - at wala kang binabayaran kundi ang konsumo sa elektrisidad gamit ang kompyuter at ang koneksyon sa internet. Libre ang basic features, s'yempre, may bayad kapag komplikado na. Sa tingin ko noong una, ang blog ay para sa mga taong walang magawa at makausap, dahil nga naman parang kinakausap mo ang sarili mo sa bawat post na ginagawa mo. Waring diary ang blog na dapat mong panatilihin, kaya ang mgabloggers ay tinatawag ding web diarist.
Si Jesse Somer, isang manunulat at blogger, ay nagsabing> "Blogs aren't just about expounding your ideas to others; theyre about getting to know yourself better." O di ba? Ang blog pala ay para sa mga di pa nakakakilala sa sarili ... tama ba ang nasabi ko? Para kay Shai Coggins naman, isang Psychologist at kilalang-blogger-na-ngayon-ko-lang-nakilala, maaari ka palang kumita sa blog, kasi si Coggins ay naging sikat sa kanyang iba't-ibang website, mula sa pagiging artistic, humanistic, naturalistic, technoratic, chuva chenes cheverlu ang dating, at pinagkakitaan nga niya ang pagba-blog. Maalala ko, nagsimula pala ako mag-blog noong nakaraang taon para magkaroon lang ako ng lugar kung saan maaari kong ilagay ang utak ko. Mahilig din kasi akong magsalita mag-isa... ehermm.. thinking aloud baga! Pero gaya ng inaasahan ko hindi ko ito napanatili, hanggang sa nawala na sa isip ko pati ang user name at password na nirehistro ko. Kaya heto ako uli, nagpipilit magsimula...... magsimula sa pagtatanong na Bakit Nga Ba Nauso Ang Blog?
Sa katunayan pa rin, hirap na hirap na ako ngayon - kasi naman nag eensayo din ako dahil ang paksang talakayin ko ngayon sa klase ko ay translation, at bilingual ang asignaturang iniatas sa akin. Naisip ko, (ting!) mainam mag ensayo sa blog! isa pa ay nahihilig din ako sa fotograpi ngayon. Nawa ay mapanatili ko na ang blog na ito...... nosebleed!
See that silhouette lady in the picture, gaping in wonder at the majestic sunrise... that's me. Sa tagalog - "Naaaninag mo ba ang anino ng babae sa larawan, nakanganga siya sa ganda ng haring araw... at ang babaeng iyan ay walang iba kundi ang lola mo!" --- ang tawag dyan Malayang Pagsasalin o Sense Translation, hindi verbatim ang salin.

At iyan ang dahilan kung bakit nauso ang blog ... para mai-drowing ang ating utak..... at para may magawa ang mga tulad ko na sinasapian ni Bob Ong...ni Jimi Hendricks...at Michael Buble.


Kita nyo naman, tinanghali na ako sa kaiisip kung Bakit Ba Nauso Ang Blog? Wala na si haring araw kaya mga talahib naman ang kausap ko dyan.

'Yang unang picture, kuha yan sa Mt Pulag, Benguet habang nakanganga ako at naglalaway sa ganda ng sunrise, (salamat sa AdTrek Mountaineers). Eto namang next, sa Mt Manabu sa Batangas, (salamat sa UnitedCaviteMontaineers)