Friday, May 20, 2011

(Mukhang) Malungkot na Aso

Nakatira s'ya sa isang malungkot na isla na madalang puntahan kaya naman ng nakita n'ya kami marahil natuwa s'ya sunod s'ya ng sunod sa amin kahit saan kami maglakad - Blue Beagle ang tawag ko sa kanya kasi kahit masaya s'yang sumusunod sa amin malungkot pa rin ang mukha n'ya - kasi nga beagle s'ya. Di gaya ng ibang aso na kasabay ng pagkawag ng buntot ay waring tumatayo din ang mga tenga, ang beagle na isang uri ng hound dog ay (mukhang) palaging malungkot.

(Lahok para sa Litratong Pinoy)

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home